Ina Pa rin Kita

Pagbigyan… Madalang lang ako sumulat ng tula sa wikang Filipino 😀

Nagsimula ang lahat sa pagkapanganak ng supling
Pinalaki, inaruga ng may ingat at lambing
Ako na nga pala ang iyong tanging kapiling
Isang anak na hindi mo pala hiniling

Ito nga ba ang tadhana para sa atin?
Ng dahil sa aking ama sa likod ng salamin
Di ko man nakita na siya’y iyong inibig
Nalunod sa tuksong nagpainit ng lamig

Ako nga ba’y isang pagkakamali lamang?
Sumira sa pangarap ng dalagang kayganda
Na ika’y umiiyak ng walang tahan habang
Ako ay nagpakasaya at nagmistulang sagana

Pinagsisihan ko na aking naisipan
Ikaw ay di kilalanin at pagtaksilan
At ngayon na ako’y kinupkop ng mayaman
Ina pa rin kita, at hindi kita malilimutan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s